Wednesday, May 24, 2017

Mentos Moment


Original Publish Date: 2/8/06


Crack...

"What the hell was that?"

"Syet yung front clasp ng bra ko naputol, papano ba to? pakshet!"

"Syet parang nakikita na yung nipple ko" sabay takip sa hinaharap ng braso.

Umiiling, pinagmamasdan yung mga tao, sabay punta sa c.r.

"Papaano ba to huhuhuhu, buti na lang maliit yung boobs ko. hindi obious masyado."

Sa cubicle ng c.r....

"parang sprite to a, a la straw sa baso-baso sa straw. Parang kailangan ko ng Mentos para magkaroon ako ng bright idea."

"Papaano kaya to huhuhu, bad shot talaga. sabi ko na nga ba mangyayari to, kasi naman pinagpilitan kung isuut yung bra na alam kung sira na yung isang clasp. Hindi umepek yung scotch tape kung nilagay.Ang ganda kasi ng bra sayang naman itapon ko, seamless pa naman."

"Hmm..strapless naman tong bra ko. Kunin ko nga yung isang strap."

After placing the clasp of the strap on both ends..

"Syet, di carry, ang haba kasi ng strap."

Tinali yung strap nang tatlong beses...

"Ang sagwa tingnan, pero ang luwag pa rin eh wah!"

Ini-ikot ikot yung strap sa kung saan-saang bahagi...

"Ayos! carry pala pero hindi pang long time. Nako 30 minutes na ako dito wala kasing Mentos eh!"

Dumaan sa receptionist at nakakita ng paperclip

..Ting! Biglang may light bulb sumulpot

"Jheng...may paperclip ka ba, naputol kasi clasp ng bra ko"

Sagot naman ni Jheng , "O ito, pili ka ng dark color para di obvious. Oi ang ganda ng blouse mo!"

"Oo, maganda nga" Sabay smile

"Ano yan, burda?"

"Ay! print lang. bwahaha hindi nya alam 50 pesos lang to sa ukay-ukay. Galing ko magdala ng damit!"

Punta ulit sa c.r. ...

"Ayos! fit na fit yung paperclip. bagong Style ito, di nyo ba alam? Ako ang magpapa-uso nito."

No comments: