Wednesday, March 02, 2016

Why? Ngano? Bakit?

Antokins ang lola mo. Makapag brew nga ng kape ... 2 tablespoon of dark coffee and 1 big mug of water. Itim na itim at walang halong gatas. Para dumilat ang mga mata at mag mukhang tarsier.

Officially, one month na ako dito sa bagong trabaho. Ngunit bago ba talaga? Nagbalikbayan lang ako konti, tumikim ng iba ang pait pait pala kaya bumalik. Ika nga "If you love someone set her free if she come's back to you, she's yours" Ganern!

Pero napa-isip isip ako bakit, why, ngano hindi ako nagtatagal ng 3 years sa isang company. Sadya ba talagang mapula ang puwet ko? O sadyang parong parong bukid lang ang aking drama?

Maraming dahilan kung bakwet. Mga first few lipat ko for career improvement, gusto ko lumaki ang sweldo at gumanda ang future, kasi wala ng pag-asa ang boobs, ibang future na lang. Pangalawa, lumipat ng ibang bansa ang aking esposo kaya napilitang mag resign, pangatlo nag boojie at na juntis so kailangan mag resign para maging dakilang yaya, pang apat nag end ang contract or na retrench, pang lima nagalit sa recruiter and spur of the moment naghanap ng ibang trabaho and ang last di nakayanan ang culture ng amerkano at lumipat sa meron syang ka berks. That's it pancit! oh, bilanganin mo na kung ilang beses ako na iba-ibang trabaho. Sama na rin natin yung trabaho ko nung college sa Jollibee at Greenwich.

Ang makaka guess may ........ isaw pandora limited edition from muah!

2 comments:

MiYO Dezoller said...

pourquoi?

aneshka said...

asawa ni pourquoa