Friday, October 30, 2015

Kauna-unang tagalog post

*** Written on 3/31/2005, ignore posted date***

Dahil 3 buwan na ako dito sa Manila, at mukhang matatagalan pa kami dito magpo-post ako gamit ang ating pambansang wika. Pasensya na at ang pinakasimpleng mga salita lang ang gagamitin ko at yung espelling ay naku baka mali rin , lalo-lalo na yung grammar dahil 2nd year college pa yung last na nag-aral ako nito at walang silbi din yun dahil natutulog lang po at nangongopya ako sa ka-klase. Ha-halo-an ko din ito paminsan-minsan nang englis na mga salita dahil malamang hindi ko na alam ang tagalog version nito.

Isa ring rason na tagalog ito dahil nai-inis at nakakaloka itong asawa ko, palagi nyang kino-korek yung grammar ko minsan ang sarap sunugin nang kanyang buhok dahil ang KULIT!

Babala lang, wag nyo na tong basahin dahil wala rin tong kwentang blog. wala lang akong magawa ngayon at nai-inip ako.

Pinapraktis ko ngayon, ang ang mga salitang may ending na "cle" , dapat "kel" ang pagbigkas hindi "kol". Halimbawa, tricikel hindi tricikol, choco krinkel, gogel, bukel? hehehe at nako minsan matigas parin yung pagka-pronounce ko. kinorek nga ako nang asawa ko nung bago pa lang ako dito dahil lahat nang tao miski driver o nagtitinda nang kendi sa gilid ay ginagamitan ko nang po "Ay di pala ganon" so ngayon medyo marunong na akomg gumamit nang po at ho.

~~~~~~~

kakainis! Ngayong lunch pumunta ako sa Jollibee at nag take-out nang burger at fries. Pagdating ko sa ofis, tiningnan ko yung burger walang patty. Grrr! ang init pa naman ngayon sa labas!

~~~~~~~

..abangan na lang ang susunod na kabanata dahil nawala na ako ng ganang magsulat dahil sa Jollibee na yan.

No comments: