Friday, October 30, 2015

Love Stories 2

**  sinulat noong 2005.. Part 2 na po ito pero di ko ata kayang i publish ang Part 1. Di ko alam kung may part 3, di ko pa nahalungkat maigi ang aking mahiwagang diary ** 

May manila friends pa naman ako dito so malamang hindi na i-intindihan yung sinulat ko na love stories. Eh baka hanggang part 4, depende sa mood ko. Pwede ko naman englisin kaya lang ah..mahirap mag english, nung nag meet nga kami ng client kahapon para akong loka-loka.. nahirapan ako mag english sa kanong yun kailangan pa ng praktis. Yung yes ko naging yah yah yah.. parang loka-loka. Dapat manghimasok na ako sa call center para american english na accent ko.

So sa next installment ko, in our national language na.

Mali yung chronological order ng love stories ko naala-la ko nag start nga pala ako nung ako munting bata pa. mga 4-5 years old. (maharot na pala ako noon hehehe) May kapit bahay kami don sa Negros. Hindi pa ko nag sko-skol non or nursery pa cguro ako. Sa totoo lang di ko matandaan pero kasi pag umu-uwi ako sa bahay ng lola ko palagi niyang stino-story sa akin yung kakulitan ko nung bata pa ako.. ibang entry na yun.

Anyways, may childhood love ako. Ang pangalan nya ay si Chad, love ko daw siya kasi pag naughty girl ako.. sasabihin lang nila na "susumbong kita kay Chad", behave na ulit ako at ganon din siya, behave rin pag isusumbong na sakin. Nag meet kami ulit ha.. nung college nako. Pero sa later story na yun.

Nung nursery ako, syempre maraming activities. May sayaw dito may sayaw doon. My one and only partner ako. Si Barry.. lahat nga ng picture ko sa nursery mag partners kami. Ayaw ko daw sumayaw pag di kami partner... mag ta-tantrums ako at si Barry din ma ta-tantrums pag hindi kami ang mag partner. Ang sweet di ba? kaya lang nabalita-an ko na bakla daw siya ngayon? ewan, di ko na siya nakita.

Tapos ito, Grade 1 ako nung first ako nagka crush. Ang gwapo niya mestizo, may class picture nga ako nun. Basta feeling high ako yung parang naka overdose ng cough syrup pag nakikita ko siya. Ewan kung saan na rin siya.

Meron nagkagusto sa kin nung grade four, di ko naman siya type pero alam ko kasi crush niya ako kaya flattered syempre. Pinakita ko nga siya panty ko dahil ewan ko kung bakit ko pinakita hahaha! kaming dalawa ng bestfriend ko dati si Augustine pinakita namin yung panty namin sa kanya. Ang swerte naman nya ano?

Pasensya na wala akong masyadong matan-daan. sabi ng my selective amnesia ako!

Actually meron akong crush from Grade 5 to college. Neighbor namin dati...crush na crush ko yun. Siya ay si A ang aking man of my dreams hehehe. Nung highschool ina-abangan ko out nya para makita ko siya. Pag nakikita ko naman siya pa as if akong hindi ko siya pinapansin. Puppy love nga talaga... at lahat ng panaginip ko ay siya lamang :P. Ang weird din kasi yung parents nya at parents ko medyo close tapos kami hindi nagpapansinan. Sila kasi tinutukso kami kaya ayun ayoko na siya pansinin at baka ma obvious na pinagnanasahan ko siya. Pati mga tshirts nya memorize ko, plate number ng kotse memorize ko rin! hangang ngayon pag nakakita akong pagong na kotse tinitingan ko pa rin yung plate number at laking tuwa ko pa naman pag nakikita ko. pag hindi siya nakatingin sa akin tinititigan ko siya pag nahuli nya akong nakatingin, pa as if akong nagbibilang ng butiki. Ganito kasi yun, every afternoon pag dadating na ako sa guard house ng village namin tatawag ako sa bahay at papakuha ako sa sidecar namin. Siya rin papakuha siya sa motor nila. Minsay nagkakasabay kaming mahintay sa sundo namin, tumatalon na yung puso ko. Pero ayun para hindi obvious di ko siya pinapansin. Actually 3 silang mag kakapatid di kami nagpapansinan. Ewan ko nga ba kung bakit. Dahil pag may party naman sa bahay invited sila lahat tapos mag hi hello lang kami at pagkatapos nun balik to di nagpapansinan.

Kinuha nya akong grad ball partner, na sa laking tuwa ko napasigaw ako! Sana hindi nya yun narinig dahil kakahiya namin obvious na obvious na na may crush ako sa kanya. Hindi ako makatulog masyado the night before his grad ball, eka nga para akong ikakasal whole day my butterflies in my stomach ako. Hindi ako makakain masyado at nagka lbm ako sa kaba! Di ko na nga matan-daan yung night na yun sa nerbyos ko. Pero sabi nya kamukha daw ako ng mama ko grrr! kakainis naman o! mas maganda naman ako. tapos sumayaw kami sweet dance. Floating in heaven, grabe ang kabug ng aking dibdib hiya nga ako baka kako narinig nya, shivers up my spine ang narandaman ko nung hinawakan nya kamay ko.3rd year highschool nga pala ako nung kinuha ko siyang gradball partner. natulog ako that night na naka smile. Sadly, lumipat kami ng tirahan, college na din siya at hindi ko na siya makikita na nag-aabang ng jeep.

Pero before kami lumipat, tinawagan ko muna siya este si mama pala ang tumwag sa mama nya na kung pwede mag grad ball partner kami. My turn na naman para ma invite ko siya. HIndi ko kery kasi na ako ang tatawag, alam ko mag qui-quiver boses ko at baka himatayin nako sa nerbyos. Ganun rin, hindi ako makatulog, tapos nagka lbm dahil sa nerbyos. Hindi ko na matandaan kung ano yung nangyari .. basta may picture kami na yung kamay nya parang nakayakap sa kin. Nasa closet ko to ngayon. Yung kaibigan ng cousin ko ay mag cousin sila (gets nyo ba), at merong picture yung cousin ko. pina blow up ko nga at ginunting ko nilagay ko sa aking diary. Naghati nga kami ni Georgia sa picture dahil crush nya yung isang kapatid naman.

Nagkita-kita kami minsan college pero di pa rin nagpapasinan! Ang weird namin talaga. Excited nga akong pumunta sa engineering building dahil may chance na makita ko siya. Hangang ngayon natutuwa pa rin akong makita siya.. unrequited love kasi. haha! Pero no feelings na ha... natutuwa lang akong sa mga kagagahan ko noon ng dahil sa kanya. Napahaba ko tuloy yung kwento tungkol sa aking one and only super crush.

'till next installment na naman. Sabi ko na nga ba hahaba. Hindi ko alam ma ma-ca-carried away pala ako sa pagkwento ng puppy love ko.

5 comments:

-Ner0's wrAth- said...

kinsa ni claire? taga sunny hills? murag kaila ko.. sarabosing iya surname?

aneshka said...

mau, 4th year highschool ko ning balhin sa sunny hills. Di nako type sarabosing no! gwapo diay to????

lizette said...

abi nako ako lang naay stalker instinct na memorizon ang tanang t-shirts sa crush.. i still do this now..can't help it.. hehehe pero it's nice to know someone else is doing this too.. makes me a little less crazy ;)

pero ha.. i think i know who this guy is :p

aneshka said...

kaila ka 'zette ..Shhhh. ayaw saba. di naman siya gwapo ron hehe

Anonymous said...

buwag naman sya ato iyang uyab clara, ambot kinsa uyab ni A karon hehehe...

akong kadungawg kay minyo nah, dako na kaau sya ron unya speaking of panty, pagchristmas party dapit sa amoa kay puerte nakong hilak kay iya ko gitagaan ug red nga panty! wahahaha!