Sunday, November 29, 2015

Pan de Sal

Marami-rami na rin akong na subukan na  Pan-de-sal Recipe. Playgirl ako..hindi ako nag sti-stick to one. Pero itong to, na try ko na ng ilang beses at madaming check check sa gusto naming pan-de-sal.

Mahangin at medyo  sweet  ang gusto naming pandesal.

I click-click ang link na ito .

Konting tips:

Ayaw na ayaw ko na gumamit ng rapid rise yeast kasi madaming beses na akong binigo! Pina-paasa ako na mag gro-grow ang aming pagmamahalan pero ini-iwan ako sa ere at naging bato ang feelings namin  sa isa't-isa. Kaya Active Dry Yeast ang ginagamit ko, 1/2 water (40 secs sa microwave), 3 tsp yeast  or isang pakete ng yeast galing sa suking sari-sari store at 1 tsp sugar. Gustong gusto  ni yeast si Sugar, malakas ang chemistry nila.

Pag bumubula na si yeast at sugar sa pagmamahal, ilagay sa mixing bowl. Ilagay ang dry ingredients (in this order) na si flour, sugar, salt. Pagkatapos sina milk,  egg at oil.

Dapat room temperature ang  milk  at egg. Mina-microwave ko ang milk  ng 1 minute at yung egg pinapaliguan  ko  na ng running hot water (palagi kasing walang time  maghintay i room temp). Napapansin ko na pag si butter ang gagamitin  instead of  si Oil  nagiging flaky ang pandesal so ayaw ko na sa kanya kasi plastic sya.

Sa winter,  hirap magpa-alsa so nilalagay ko sya malapit sa under-cabinet lamp. Pwede ring ilagay sa pinaka top-rack  oven at sa ibaba may mainit na tubig.

Good luck at sana umusbong ang pag-iibigan nyo ni Pan de Sal.


TBD picture,  pina pa alsa ko pa,  di ko  alam  kung tama ba  ang pagkatimpla  ng aming pag  ibig.. abangan,,,,

1 comment:

Shobee said...

Thank you...I love your blog. Keep it up!