Thursday, January 07, 2016

Sayonara 2015, Hola 2016

Anong ginawa ni Inday sa 2015.

"Umuwi sa pinas January at nag swiper no swiping ng credit card, nag bakasyon engrande sa isang malaking barko at pumunta ng Caribbean, pumunta sa beach at lumangoy sa putik para makahanap ng mussels (bibigay ko kay Sir para lalaki ang kanyang biceps), pumunta ng napakaraming theme park and at nag party party party."

Excited na ako sa 2016 kasa ramdam kung maraming kaganapan this year. Year of the monkey ang 2016 at ito nga year na year ko na siya dahil mahilig ako sa monkey business. Pak! Ganern! Swak na swak sa banga.

Ayon sa chinese horoscope ma swerte daw ako financially this year. Yayaman na ako woohhoo!!! Bibili na ako ng maraming kuskus at i match sa number ticket para more chances of winning.

Pero parang totoo nga kasi 1st week ng January ay naka tangap ako ng good news. With a new appraisal by lender pwede na daw mawala ang PMI namin. Yes! extra savings. Malapit na rin matupad ang aking "Body by Dr. Belo".

Pangalawa, mag ki-kinder na si Zaia (Wer iz my baby na?) so wala na kaming daycare expense starting July/August. $xx,xxx ang daycare dito so super happy si Inday at masimulan na rin ang college fund.

Pangatlo ay secret! Akin lang muna yun...

Maraming life events ang 2016.

- 1st Communion ni Caleb
- Kindergarten na si Zaia (finally! na miss nya ang cut off last year by 22 days)
- magiging slim si Inday, goal ay 105 lbs *Ha ha ha katawa*

At ayun na nga naubusan na ako ng i-susulat. 'Til next entry mag buwis buhay muna ako para sa ikaka-unlad ng ekonomiya.




No comments: