Noong bata pa ako gusto ko maging sterwardess kasi gusto kung makita ang world. Sa kasamaang palad ako ay di hamak na 5'2" lang at hindi pa 20/20 ang vision ko.
Wednesday, January 27, 2016
Resume ni Inday Part Deux
Gusto ko din maging bank teller kasi uupo lang papa cute at magbibilang ng napakaraming pera. Pero waley ni isa dyan ang future ko.
Mga 3 months akong tumambay sa bahay before naka-kita ng work after graduation. Mga ka-klase ko bonggang bongga na ang mga trabaho meron pa ngang iba pinadala na sa ibang bansa. Inggit to the max ang bruha. Kasi naman isa ako sa pinaka bottom student sa block namin, pramis ang tatalino nila mga genius. Ang grades ko ay average lang at nabagsak ko pa ang isang subject. Sila hindi pa nga naka graduate may work na, ako nga-nga.
Hindi ko rin feel ang course ko dahil jirap na jirap akong ipasa ang mga subjects. Pero pinandigan at tinapos ko. Hindi ko feel ang mga programming subjects namin dahil di ko gets agad-agad.
Apply lang ng apply ng kahit anong work para more chances of winning. Muntik na nga ako maging data encoder sa isang Manufacturing Company. Pero at last may nadali ako at na hire ako as "Load Planning Specialist" for Cathay Pacific. Oo diba, ang bongga lang ng name. Immediately, pinadala kami sa Manila (NAIA) for training. First time ko na pumunta sa Manila at tandang tanda ko na nag boarding haus kami sa Valley One, Paranaque (pronounced as Baley wan by tricycle drivers). Probinsyana ang beauty na nakasalta ng Manila. First time kung mag-isa, i-spoiled ang lola mo at di sanay sa gawaing bahay. Walang ka muwang muwang sa totoong mundo. Hindi ako marunong maglaba at magluto. Ang hirap palang by hand ang labada! Nung tinamad ako binabad ko na lang at inikot-ikot na parang washing machine.
Iba pa lang pag mag-isa ka at walang parents na nag mo-monitor. FREEEDDDOOOOMMM! Naranasan kung mag tiangge sa Baclaran at mag commute sa MRT/LRT. Enjoy ang mga weeks na yun dahil nagpasyal kami sa Enchanted Kingdom with college classmate, nakapasok ako ng ibang-ibang eroplano from different airlines (i.e. Royal Brunei, Continental) at natuto akong mag house work konti.
3x a week lang ang flights ng Cathay Pacific dati and minsan gabi ang hours. Kung walang flight, kape-kape, chika galore at mag board games. Di ko na matandaan ang name nya pero may isa akong ka officemate na libre ng libre sa 'kin ng kape at pagkain. Kung sino ka man salamat!
Dito ako first na-lashing at naging pasaway. Gala dito, gala doon at umuwi ng dis oras ng gabi. Pero subalit, dapatwat, di rin ako nag tagal dahil feeling ko lang walang future ang aking career.
Na-bored ako at dahil na rin ambisyosa ako at nag try akong mag apply as Software Validation Engineer sa Lear in short Tester. Di ako magaling sa interviews hanggang ngayon na blo-block out ako at minsan walang sense ang aking sinasabi. Pero dahil pinalabas ko ang aking mega-watt smile natangap ako.
...... abangan ang susunod na kabanata
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
naalala ko tuloy nung nagtambay ako ng banilad for 3 mos hanap work after board... wala kaming ginawa kundi bumili ng newspaper every sunday, magitara sa boarding haws, uminom, kumain ng balbakwa at chorizo wid puso, uminom at manood ng sine sa cowntry mul (sabi ng dispatcher)
Post a Comment